26

May 14, 2020 @ 15:03
By

PMA graduation sarado sa pamilya, media

Off limits sa mga pamilya gayundin sa media ang pagtatapos ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2020 na gagawin sa Mayo 22, dahil na rin sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Marine Captain Cheryl Tindog, chief ng Public Affairs Office ng PMA, ang napipintong graduation ceremony ay gagawin na lang via livestream sa Facebook page ng PMA.

Sa mga katanungan naman ng media sa mga topnotcher ng klase ay kinakailangan itong ipadala sa pamamagitan ng text o magpadala ng mensahe sa Viber ng Public Information Office (PIO) ng PMA hanggang alas-12:00 ng tanghali sa Mayo 15.

Ang mga katanungan ay sasagutin ng topnotchers at iba pang awardee sa gagawing livestream.

Magbibigay din ng mga litrato ang PIO ng PMA na kanilang ipapadala sa mga reporter sa pamamagitan ng email.

Sa ngayon, ayon pa kay Tindog, hindi pa naisasapinal ang ilang mga detalye hinggil sa graduation rites ng PMA Class 2020 pero agad nila itong ipapaalam sa media sakaling matapos na ang ilan pang impormasyon hinggil sa pagtatapos ng mga kadete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?