14

Aug 2, 2020 @ 19:42
By

PMA entrance exam nilipat ng petsa

Ni-reschedule ang entrance examination ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa pandemic.

Sa anunsyo ng PMA sa Facebook, isasagawa ang entrance exam sa magkakaibang petsa sa pagitan ng August 26 at October 3.

Inabisuhan ang mga testing center na huwag lalagpas sa 50% occupancy sa kanilang mga venue para sa social distancing.

Maaaring ma-download ng mga aplikante ang exam permit sa isang online system.

Kabilang sa requirements sa exam ang medical certificate, health declaration form, face mask at alcohol o hand sanitizer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?