30

Feb 1, 2020 @ 20:23
By

PMA compound isinara sa mga turista

Para maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus, minabuti ng Philippine Military Academy (PMA) na isara pansamantala sa mga turista ang kanilang compound hanggang sa ikatlong linggo ng Pebrero.

Ayon kay PMA Public Affairs Office Acting Chief Maj. Reynan Afan, pinapayagan lamang ng akademya ang mga kamag-anak ng 1,100 na kadete na makapasok sa loob ng PMA compound matapos ang medical check-up sa PMA station hospital.

“Minabuti ng PMA na isara muna ito sa mga turista sa susunod na tatlong linggo para lang maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus,” ani Afan.

Dagdag niya, lilimitahan din ang mga aktibidad na sinasalihan ng mga kadete.

Samantala, pinag-aaralan pa ng PMA at ng kanilang alumni kung itutuloy nila ang kanilang homecoming sa Pebrero 14-16.

Aabot sa mahigit sa 2,000 ang magtatapos na mag-aaral ng PMA sa nasabing event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?