121

Nov 24, 2019 @ 14:58
By

PMA bine-verify ang liham umano ng nalunod na kadete

Sinisiyasat na ng Philippine Military Academy (PMA) ang liham na sinulat umano ng pumanaw na 4th Class Cadet na si Mario Telan, Jr. na naglalahad ng naranasan niya umanong hazing abuse sa akademya.

“[W]e urge the owner of that post to show us the letter, to talk with us, and to allow PMA to do the appropriate actions to resolve the problem,” ayon sa PMA sa isang pahayag.

“Let us sit down, discuss together, and partner with us to uproot the “weeds”, to eradicate the malpractices, and to institute the necessary reforms in the Academy,” dagdag pa nito.

Kailangan umanong ma-verify ng akademya kung totoong sinulat ni Telan ang liham na dinetalye ni Jose Larry Hermoso IV sa isang Facebook post.

“We have to take measures according to due process such as checking the veracity and authenticity of the letter, and the identity and intent of the owner of the post,” saad pa ng PMA.

Natagpuang patay si Telan sa ilalim ng 15-foot na campus swimming pool nitong Nobyembre 8.

Bagama’t walang nakitang foul play anbg mga imbestigador sa pagkamatay ng kadete, sinibak na sa PMA ang dalawang swimming instructor na sina Robert Bete at Antonio Catalan dahil sa gross neglect of duty sa pagkalunod ni Telan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?