32

Feb 6, 2020 @ 18:46
By

PMA Alumni Homecoming inusog sa Peb. 25

Inilipat ng petsa ang taong ito na Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming sa Baguio City dahil na rin sa banta ng novel coronavirus.

Sa inilabas na statement ni PMA Alumni Association, Inc. Chair Cavalier Rufo de Veyra, imbes na Pebrero 14-15, sa Pebrero 25 na lang gaganapin ang homecoming.

Ayon sa kanya, ang desisyon na isagawa na lang ng isang araw ang dalawang araw na event ay matapos ang naging meeting kina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at PMA Superintendent Vice Admiral Allan Cusi.

Martes nang hilingin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa PMA alumni board na ilipat ng petsa ang homecoming sa mas “auspicious date” bilang precaution laban sa posibleng pagkalat ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?