1,488

By

PMA Alumni Association nagkaisa upang sibakin si Trillanes sa samahan

Sharing is caring!

Nagbuklod ang Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAAI) Eagle Fraternal Chapter na tanggalin si Senador Antonio Trillanes IV bilang kanilang miyembro.

Sa pahayag na ipinalabas ng nasabing samahan, inilahad nila na sinisira umano ni Trillanes ang dangal ng nasabing institusyon dahil sa ilang nagawa ng senador.

Kasama sa mga dahilan ng asosasyon ay ang sedisyon, pagsagawa ng kudeta, korapsiyon, ‘di pagrespeto sa mga senior officer at sa presidente, pagtataksil, pagsagawa ng propaganda, ‘annoying actions’ at pagsisinungaling.

Pinatamaan ng PMAAAI ang mariing pakikipagsagutan nito kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal, at kinuwestiyon rin ang mental health ng senador.

Kasama sa ipinalabas na pahayag ay ang mga pirma ng kasundaluhan sa nasabing institusyon na payag mawala si Trillanes bilang kaanib.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,