82

Oct 31, 2017 @ 18:24

PM Abe bumilib kay Duterte sa pagharap sa Marawi crisis

Napabilib ni Pangulong Rodrigo Duterte si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa katatagan ng kanyang disposisyon sa pagharap sa hamon ng Marawi crisis matapos sakupin ng mga terorista ang Marawi City sa loob ng limang buwan.

Sa kanyang pagbisita sa Tokto, Japan, sinabi ni Abe na labis itong humanga at inihayag ang respeto sa paraan ng pagharap ng Pangulo sa bakbakan sa Marawi City laban sa Maute terror group.

Ayon kay Abe, ipinakita ng Presidente na mayroon itong kamay na bakal nang labanan ang terorismo at ang pangakong ibabangon muli ang Marawi City .

Tiniyak ng Japanese Prime Minister na buo ang kanilang suporta sa hangarin ni Pangulong DUterte na maibalik ang kaayusan sa Marawi City at maibangon ang isang bago ay mapayapang lungsod.

“The government of Japan recognizes that rehabilitation and reconstruction of the city of Marawi is extremely important. We will provide maximum support to the restoration and reconstruction of Marawi City and we will strengthen support of Mindanao toward the establishment of an autonomous government,” ang pahayag ni Abe matapos ang mahalagang pulong nila ni Pangulong Duterte. (Aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?