45

Jun 24, 2019 @ 15:37
By

Plunder trial ni Jinggoy, Napoles kasado sa July 8

Ipagpapatuloy ng Sandiganbayan 5th Division ang pagdinig sa plunder case nina dating senador Jinggoy Estrada at pork barrel mastermind Janet Lim Napoles sa July 8.

Nakatakdang magprisinta sina Estrada at Napoles ng kanilang mga ebidensiya para patunayang inosente sa multi-billion peso Priority Development Assistance Fund scam.

Ito’y matapos ibasura ng korte ang demurrer o petition to trash the prosecution’s evidence ng dalawa dahil matibay umano ang ebidensiya laban sa kanila.

Muling iginiit ng government prosecutors na nagkaroon ng P70 million kickbacks si Estrada mula kay Napoles, batay sa report ng Anti-Money Laundering Council.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?