34

Oct 24, 2017 @ 14:26

Plunder case vs Bautista, kasado na

Isusunod diumano ng kampo ni Patricia “Tish” Bautista ang paghahain ng kasong plunder laban kay resigned Commission on Election s(Comelec) Chairman Andres Bautista.

Ito’y matapos makaligtas sa impeachment si Bautista makaraang tanggapin ni Pang. Rodrigo Duterte ang kanyang resignation “effective immediately.”

Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, abogado ng misis ni Bautista, hindi na makapagtatago sa immunity ang dating Comelec chairman.

“Right now, we’ve leveled the playing field. He now cannot hide under the immunity. He will be sued at the proper time as private citizen Andy Bautista,” pahayag ni Kapunan.

Sinabi ng abogado na hinihintay na lamang nila ang findings ng National Bureau of Investigation(NBI) para pormal na maihain ang kasong pandarambong hindi lang kay Bautista kundi sa iba pang umano’y naging kasabwat nito.

Tiwala si Kapunan na maipakukulong nila si Bautista dahil umabot na aniya sa P1.2 billion ang tagong yaman nito na kanilang natuklasan.

Para naman kay Tish, vindication sa kanya ang nangyayari ngayon sa dating Comelec chairman. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?