9

May 5, 2021 @ 16:37
By

PLM larga face-to-face class sa mga medical course

Nakatakda nang magsagawa ng limitadong face-to-face class ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Ito ay para sa mga estudyante ng Colleges of Medicine, Nursing at Physical Therapy matapos payagan ng Commission on Higher Education (CHED).

Lubos naman ang pasasalamat ng eskuwelahan sa pagpayag ng CHED na makapasok na ang mga medical student nito.

Ayon kay PLM President Emmanuel Leyco, malaking tulong ito sa paaralan upang magawa ang parte nito sa pag-aarmas ng tamang pagsasanay sa mga future doctor at nurse at sa hinaharap ay makatulong sa panggagamot sa kapwa Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?