37

Jun 2, 2020 @ 11:31
By

PLM 1 taon ang palugit sa pagbabayad ng tuition

Papayagan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ang mga estudyante nilang mag-enroll sa susunod na semestre kahit may nakabinbin silang bayarin sa paaralan.

Inapruba kasi ng PLM Board of Regents, sa kanilang Mayo 29 meeting, ang naturang panukala na payagan ang mga nasabing mag-aaral na mag-enroll sa unang semestre ng Academic Year 2020-2021.

Bibigyan ng pamantasan ang mga estudyante nito ng one-year period para bayaran ang kanilang tuition at iba pang bayarin para sa ikalawang semestre ng AY 2019-2020.

Kailangan bayaran ng mga mag-aaral ang one-third ng unpaid fee, at ang matitira’y pwedeng bayaran sa loob ng 1 taon.

Nagbabayad ang mga mag-aaral sa master’s degree at doctorate programs ng tuition at miscellaneous fees sa PLM kada enrollment.

Binabayaran ng City Government of Manila at ng pambansang gobyerno ang kalakhan sa gastusin sa edukasyon sa PLM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?