pliskova

Pliskova, pinaghahampas ang umpire’s chair matapos matalo

Sharing is caring!

Pinagbalingan ng dismaya at inis ni dating world No. 1 Karolina Pliskova ang umpire’s chair matapos matalo kay Maria Sakkari ng Greece sa second round ng WTA Italian Open.

Sa third set, na-ruled out ang overhead shot ng sixth seeded Czech at kapwa sinabi ng line judge at ng umpire na hindi nila makita ang marka kung saan lumanding ang bola.

Pero nakita sa replays na bumagsak ang bola sa loob ng sideline pero hindi pinakinggan ni umpire Marta Mrozinska ang argumento ni Pliskova na baligtarin ang tawag.

Bunga nito, natalo si Pliskova, 3-6, 6-3, 7-5.

Hindi kinamayan ni Pliskova si Mrozinska, sa halip ay pinaghahampas niya ng kanyang raketa ang umpire’s chair kaya’t nasira ito.

Sa tweet ng kakambal ni Pliskova na si Kristyna, na professional player din, sinabi nitong “The worst i have ever seen @wta and i hope this lady Marta Mrozinska will never ever judge any match of me or Karolina again #blacklistforever.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?