ABANTE-TNT charer change drilon koko
By

Plebisito para sa ChaCha sa Mayo, malabo – Koko, Drilon

Sharing is caring!

Duda sina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III at Senate Minority Leader Franklin Drilon na maisakatuparan ang pagsasagawa ng plebisito kasabay ng Barangay at Sanggunian Kabataan elections sa Mayo.

Sinabi ni Pimentel na mahihirapan na maiskatuparan ang target dahil marami pang dapat talakayin.

Gayunman, posible aniyang ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pagtatakda ng target sa Mayo 2018 ay naglalayon lamang na pabilisin ang trabaho ng mga mambabatas.

“Malabo pero ang target lang ni Speaker dun ay magdouble tim etayon pero yan ang first target pag di naabot e di i move ang target,” saad ni Pimentel.

Ipinaliwanag naman ni Drilon na marami pang ibang trabaho ang Kongreso na kailangan pagtuunan ng pansin kaysa sa pag-amyenda sa konstitusyon.

Hhindi ko po nakikita na mangyayari yan given the time frame, una sabi ng House Committee on Justice sa Mayo ipadadala sa amin ung impeachment, the moment na pag impeachment court kami wala kami iba matatrabaho, for the next six months we can’t do anything so i can’t see kung paano namin aamyendahan ang saligang batas,” pahayag ni Drilon.

Isa pa anyang nakikita nitong problema ay ang conflict of interest sa mga mambabatas dahil kung aamyendahan ang konstitusyon ay maaari ang term extension.

“I can’t see kung paano isabay sa halalan sa May 2019. Hi ko nakikita. Hindi talaga magagawa. Hindi naman pwedeng haharap ka sa taumbayan sasabihin mo pumayag ako sa amendment kasi mae-extend ang term ko,” diin pa ni Drilon. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?