33

Sep 21, 2018 @ 18:24
By

Plebesito para sa Bangsamoro Organic Law, pondohan! — solons

Nababahala ang ilang kongresista sa kawalan ng pondo para sa plebesito ng Bangsamoro Organic Law sa ilalim ng 2019 proposed national budget.

Sa pagtatanong ni Anak Mindanao Party-list Rep. Makmod Mending sa plenary budget deliberation sa panukalang P10.079 billion na pondo ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na taon, ipinaliwanag ni Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo na hindi na naisama sa 2019 General Appropriations Act ang alokasyon para sa plebesito sa BOL.

Ito ay dahil naisumite na sa Kamara ang panukalang pambansang pondo bago pa man maisabatas ang BOL kaya walang pondo ang para sa plebesito na nakatakda sa January 21, 2019.

P857 million ang kakailanganin para sa plebesito para malaman kung tanggap o hindi ng mga residente ng mga lugar na masasakop ng Bangsamoro entity ang BOL.

“I believe there is enough time for us here in the House of Representatives to be able to put in our General Appropriations Bill the necessary fund or appropriation to cover the expenses for the conduct of the plebiscite and ensure that our constituents will be able to determine the sovereign will of the constituents involved in this exercise,” sabi ni Mending.

Inihayag naman ni Dimaporo na kung hindi man ito maihabol sa budget, may mahuhugot pa sa savings ng Comelec at may maaasahang pondo mula sa Malakanyang para matuloy ang plebisito.

“I put my faith in our President that he will not fail the people and he will not fail the Bangsamoro,” ani Dimaporo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?