15

Sep 9, 2021 @ 13:36
By

PLE sa Metro Manila kanselado

Kinansela ng Professional Regulation Commission (PRC) ang Physicians Licensure Examination (PLE) na nakatakda sanang idaos sa Metro Manila ngayong Setyembre.

Ayon sa PRC, ang mga nakanselang exam ay idaraos sana sa Setyembre 11, 12,18 at 19.

Hindi naman inilahad ng komisyon ang dahilan ng kanselasyon.

Sa kabilang dako, ang PLE sa mga lugar sa labas ng NCR gaya ng Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga ay matutuloy sa parehas na mga petsa.

Una ng nagprotesta ang grupo ng mga medical students para ikansela ang PLE sa Metro Manila bunsod ng pananalasa ng COVID.

Bukod sa PLE, kinansela rin ng PRC ang Qualifying Assessment for Foreign Medical Professionals (QAFMP) na naka-schedule sa Setyembre 13 at 20 sa Metro Manila.

Sinabi naman ng PRC na hindi mababalewala ang binayad ng mga nakatakdang mag-exam sa NCR at maaari silang kumuha ng PLE sa mga susunod nitong schedule.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,