94
pldt
Aug 16, 2019 @ 21:27
By

PLDT tinamaan sa paghihigpit sa endo

Malaki ang naging epekto sa PLDT ni Manny V. Pangilinan ang paghihigpit ng Department of Labor and Employment noong nakaraang taon sa end of contract.

Sabi ng Fitch Ratings, inaasahan naman nilang makababawi ito at dadami na muli ang magsa-subscribe sa Fibre broadband nito.

Dagdag pa ng Fitch Ratings, nagbuhos ng pera ang PLDT at Globe Telecom ng mga Ayala para sa capital expenditure nila upang mapalakas ang kanilang mga serbisyo bago mag-umpisa ang Dito Telecommunity, ang ikatlong major player sa bansa.

“We expect PLDT will benefit from an acceleration of subscriber take-up in its fibre-broadband services, which had been affected since mid-2018 by a regulatory ruling on outsourced services. This had stalled net take-up of PLDT’s home-broadband subscribers in 4Q18, but the subscriptions have returned to growth, lifting home-broadband revenue by a modest 2% yoy in 1H19,” sabi ng Fitch Ratings.

Aabot sa P3 bilyon hanggang P4 bilyon ang gagastusin ng PLDT para makakuha ng mga bagong technician at para sa mga installation worker.

Ang lamang ng Globe ay ang mas malaking postpaid subscriber nito samantalang inaasahan naman ng Fitch na makakarecober na ang PLDT sa pagpapalago ng wireless revenue nito.

Mas mahigpit ang labanan sa mobile kaysa sa fixed line at ang pagpapalakas ng fibre broadband ay makakatulong sa kabuuang negosyo ng mga telco at sa pagkuha ng mga customer na mas long-term ang demand para sa fibre.

Aabot sa P141 bilyon ang ii-invest ng mga telco sa Pilipinas na gagamitin nila para mapalawak ang kapasidad ng kanilang mobile data at sa pag-roll out ng fixed-broadband network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?