42

Mar 10, 2018 @ 19:13

PLDT ibinalik ang frequency para sa 3rd telco player

Ibinigay na ng PLDT Inc., ang isa sa frequencies nito sa gobyerno nang libre, na gagamitin ng bagong telco player sa telecommunications industry.

Sumunod ang kompaniya sa direktiba ng National Telecommunications Commission (NTC) na tanggalin ang posesyon ng 10 megahertz (MHz) ng 3G radio frequency na naka-assign sa Connectivity Unlimited Resource Enterprises Inc. (CURE).

“This is to confirm that the PLDT Group is waiving its right to recover any and all costs of investments associated with the affected frequency. Accordingly, the new assignee of the affected frequency shall have no obligation to reimburse the PLDT Group for any of the said costs,” sa sulat ni PLDT Chairman at CEO Manuel V. Pangilinan sa NTC na may petsang March 5.

Anang CURE, hindi ito maniningil ng kabayaran sakaling ibigay sa ibang telco company ang frequency.

Samantala, inaasahan naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na papangalanan ang bagong telco player sa huling linggo ng Mayo o hanggang unang linggo ng Hunyo. (PNA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?