41
lebron-kareem

Playoff FG record ni Kareem Abdul-Jabbar, binura ni LeBron

Sharing is caring!

Nairehistro ni LeBron James ang ika-2,357 na field goal niya sa playoffs sa pag-alpas muli ng Cleveland Cavaliers sa Boston Celtics, 111-102, nitong Lunes ng gabi (Martes sa Pinas).

Mula sa 22-foot jump shot sa pasa ni JR Smith sa 3:11 na nalalabi sa second quarter, nalagpasan ni James ang record ni Kareem Abdul-Jabbar sa playoff field goal matapos nitong magretiro noong 1989.

Ikatlo lang sa listahan si Chicago Bulls legend Michael Jordan sa record na 2,188.

“Anytime I’m in the same breath with the greats … it’s just humbling,” ani James sa pangbabasag na naman ng record.

Umiskor ng 44 points si James sa pagtabla sa serye ng Cavs at Celtics sa 2-2 sa Eastern Conference finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?