8

By

Player of the Week si Lee

Sharing is caring!

Nangailangan ng dalawang panalo ang Magnolia Pambansang Manok para makapasok sa playoffs ng Commissioner’s Cup, rumesponde si Paul Lee para bitbitin ang Hotshots.

Nag-average si Lee ng 17.5 points, 5.5 assists at 4.0 rebounds sa dalawang panalo ng Magnolia – 116-89 kontra NLEX at 101-97 laban sa San Miguel Beer.

Sa likod ng limang 3-pointers ay nagsalansan ng 21 points, six assists at four rebounds ang Angas ng Tondo nang sipain ng Hotshots ang Road Warriors noong July 4. Makalipas ang tatlong araw ay nagsumite naman ang 29-anyos na combo guard ng 14 points, five assists at four rebounds kontra SMB.

Tinapos ng Magnolia ang 11-game eliminations sa 6-5 win-loss record, kabuhol ang Ginebra at San Miguel pero napadpad sa No. 7 ang Hotshots dahil sa mas mababang quotient.

Pagdating ng quarterfinals, natoka sa Magnolia ang No. 2 Alaska. Hindi na nakaporma ang Hotshots, nasipa sa isang laro lang kontra twice-to-beat Aces.

Sa angas na pinakita ay iginawad kay Lee ang pangalawa niyang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week award, naungusan sa weekly citation si teammate Mark Barroca, Vic Manuel ng Alaska, Scottie Thompson ng Ginebra, Troy Rosario ng TNT at June Mar Fajardo at Arwind Santos ng San Miguel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?