227
Player of the Week si Bea
Mar 18, 2019 @ 17:30
By

Player of the Week si Bea

Tuloy-tuloy ang pananalasa ng Ateneo De Manila University (ADMU) Lady Eagles sa first round ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa pangunguna ni veteran middle blocker Bea De Leon.

Hinirang bilang Player of the Week si De Leon na uma-average ng 13.5 points sa nakalipas na linggo para sa koponan.

Kasalukuyang nangunguna ang Lady Eagles sa team standings hawak ang may 6-1 win-loss record at ayon pa kay De Leon, mas lalo pa nilang gagalingan para mapanatili ang liderato.

“It’s about to get harder, so ang mindset namin ngayon, tapos na ‘yung first round. So now we have to work double time,” pahayag ni De Leon.

“Kung anuman ang trinabaho namin noong first round, kailangan double talaga because the teams are about to peak, and the teams are going to fight harder kasi tapos na. We’re very, very happy but now pa lang, focus agad sa susunod na gagawin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?