32

Oct 5, 2021 @ 20:04
By

Playboy bagong-bihis kay Bretman Rock

Ang Pinoy social media sensation na si Bretman Rock ang kauna-unahang gay individual na bumida sa cover ng sikat na Playboy magazine.

Suot ni Bretman ang tainga ng bunny na siyang logo ng Playboy habang litaw din ang dibdib nito sa mapangahas sa pose.


“Standing for freedom and equality is in the DNA of this brand. Today, Playboy is much more than a magazine. Our digital covers are creative snapshots that drive and reflect the current dialogue around pleasure, sexuality, equality and culture.,” saad ng Playboy sa kanilang Twitter.

“If a gay man feels sexy in a bunny costume, an iconic symbol of sexiness, why shouldn’t he be able to wear it proudly?” dugtong pa nito.

“Serving as a platform for representation and freedom of expression is and will always be what Playboy stands for.”

Ang mga Twitter post ng Playboy ay kaugnay umano ng mararahas na mensahe na kanilang natanggap dahil sa pag-feature kay Bretman.

Si Bretman ay sikat sa mga social media platforms gaya ng YouTube at Instagram kung saan milyon na ang kanyang mga followers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?