170

Mar 22, 2020 @ 18:42
By

Plastic at garbage bag, ginawang PPEs sa Laguna

Dahil sa kakulangan ng Personal Protective Equipment o PPEs, napilitan ang tatlong hospital staff sa Laguna na mag-suot ng plastic at garbage bag bilang proteksyon sa coronavirus o COVID-19.

Nagpost si Facebook user Tes Despano nitong Huwebes, officer-in-charge at medical records officer ng St. Jude Hospital sa Los Banos, sa naging sitwasyon ng kanilang mga staff at nanawagan para sila ay matulungan.

“We are calling the attention of DOH or kung sino mang ahensya na maaaring makapag-supply sa amin ng Personal Protective Equipments. Naubos na po kasi ang PPE namin sa kaming hospital at wala na aming mabilihan. Kaya nag improvise na lang kami para kahit papaano mapanatiling ligtas ang aming mga staff. Salamat sa lakas ng loob at dedikasyon ng aming mga staff para makatulong sa mga pasyente.” caption nito sa post na may 13,000 reactions.

Tumugon naman sa post ang municipal health office ng lugar at nagpadala ng dalawang PPEs, ayon sa balita ng ABS-CBN News.

Sa mga nais pang tumulong, kontakin lamang si Depano 0949-796-4727 o sa ospital 049-536-1982.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?