12

Feb 25, 2021 @ 19:23
By

Plantito nagtanim ng marijuana timbog

Arestado ang isang plantito matapos magtanim ng marijuana maliban sa kanyang mga ornamental plant sa Barangay Carapdapan, Arteche, Eastern Samar nitong Huwebes.

Kinilala ang salarin na si Jose Batinga, 42, magsasaka.

Ayon sa ulat, isang concerned citizen ang nag-report sa Arteche Police tungkol sa nagpapatuloy na sugalan sa kanilang barangay.

Nang berepikahin ay nabigo ang mga pulis na makahuli ng mga nagsusugal pero isa sa mga awtoridad ang nakapansin sa pagdidilig ng suspek sa kanyang mga halaman.

Nakita ng mga pulis kasama ng ilang opisyal ng barangay ang marijuana plant ng suspek na nasa dalawang paso.

Agad dinakip si Batinga at dinala sa Arteche Municipal Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?