177

Oct 21, 2020 @ 17:54
By

Plantito na rin! Erik Santos namakyaw ng halaman

Vlogger na ang Kapamilya singer na si Erik Santos.

Tampok sa una niyang vlog ang pagiging “plantito” niya.

Minake-over ni Erik ang garden niya, sa vlog post niya noong Oct. 19.

Wala man daw siyang alam sa gardening ay gusto niyang maging “plantito”.

Pinabili niya ang driver niyang si Noy ng mga bagong halaman.

Kabilang sa mga halaman ang fortune plant, rubber tree at bromeliads.

Nilagyan din niya ang garden niya ng mga frog grass.

Magugunitang dahil sa COVID-19 pandemic, maraming Pilipino ang nilibang ang kanilang sarili sa gardening kabilang na roon ang tinaguriang Reyna ng mga Plantita na si Jinkee Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?