4,306

Feb 22, 2020 @ 20:25
By

Planta sa Laguna isasara ng Honda

Isasara na ng Honda Cars Philippines Inc. (HCPI) ang planta nito sa Sta. Rosa, Laguna na halos dalawang dekada nang gumagawa ng kotse sa bansa at nagbibigay ng hanapbuhay sa maraming Pilipino.

Ayon sa website na visor.ph, Marso 26 titigil ang produksyon sa planta at 387 ang mawawalan ng trabaho.

“Honda considered efficient allocation and distribution of resources. As such, after consideration of optimization efforts in the production operations in Asia and Oceania region, Honda decided to close the manufacturing operations of HCPI,” sabi ng kompanya.

Apektado rin sa pagsasara ang 60 na supplier ng Honda ng mga part at iba pang material.

Sa kasalukuyan, dalawang sasakyan ang ginagawa ng Honda sa planta: ang City at ang BR-V.

Sabi ng Honda, susulitin nito ang produksyon nito sa iba pang parte ng Asya para mabigay sa Pilipinas ang mga mas murang sasakyan na de-kalidad kaya nito dinesisyunang isara ang planta sa bansa.

Kauumpisa pa lang ng Department of Trade and Industry ng mga hakbang para proteksyunan ang lokal na car industry sa imports at titignan pa lang nito ang pagpapataw ng safeguard duty.

Inireklamo na ng Philippine Metalworkers Alliance ang pagdami ng imports ng mga sasakyan na pumipilay sa kanilang industriya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?