39

May 30, 2021 @ 11:39

Planta ng US vaccine planong itayo sa ‘Pinas

Interesado ang isang US company na magtayo ng manufacturing plant sa Pilipinas para magsilbing gawaan ng COVID-19 vaccine.

Ito’y binahagi ni PH Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez, kung saan sinabi nito na target ng Novavax na magkaroon ng planta sa bansa.

“For one thing itong Novavax, itong US manufacturing company, may agreement sa Serum Institute sa India, pero gusto nila magtayo sa Pilipinas,” saad ni Romualdez sa DZBB.

Una nang sinabi ni Romualdez na naghahanap na ng mga investment partner para sa pagtatayo ng manufacturing hub sa Pilipinas sa pakikipagtulungan ng USA.

Bukod sa Novavax, pinag-aaralan din ng Arcturus Therapeutics ang pagtatayo ng manufacturing plant sa bansa.

“San Diego-based ito, they are developing Johnson and Johnson vaccines. Iyon, interesado na talaga. I’m not sure what phase they’re in but pinag-aaralan nila kung puwede magtayo sa atin, kasi may Asian market,” ayon pa kay Romualdez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?