4

Oct 9, 2020 @ 17:58
By

Planta ng COVID bakuna sa ‘Pinas, aprub sa DOH

Bukas ang Department of Health (DOH) sa plano ng Russia na magtayo ng mga manufacturing at distributing hub ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, makakapagbigay iyon sa bansa ng medical advantage.

“This will provide us with that advantage. Hindi lang dito sa pandemyang ito but in the coming years na magkakaroon tayo ng pangangailangan ulit na ganito,” paliwanag ni Vergeire sa isang virtual briefing nitong Biyernes.

Ayon kay Vergeire, pinag-usapan ang posibilidad na iyon sa pakikipagpulong ng Department of Trade and Industry sa isang Russian diplomat at nang magkita sina Health Secretary Francisco Duque III at Russian Ambassador Igor Khovaev.

“Hindi lang ‘yung fill and finish na manufacturing plant meron talagang planta ng bakuna,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?