13

Feb 10, 2021 @ 14:14
By

Planong taas-presyo ng pagkain sa resto hindi kailangan – DTI

Babalik din sa normal na presyo ang mga karne ng baboy sa Metro Manila.

Ito ang tugon ng Department of Trade and Industry sa mga may-ari ng restaurants na nagpaplanong magtaas ng presyo ng kanilang mga pagkain dahil sa mataas na presyo ng karne ng baboy.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez sa press briefing sa Malacañang na papasok na ang new players na mag-aalok ng mas mababang presyo ng karne ng baboy sa National Capital Region (NCR) kaya hindi kailangang magtaas ng presyo sa mga pagkain sa restaurants.

“With the entry of new players, iyong mga nagtaas, puwedeng ibaba nila. Puwede uling mag-ooffer ng mas value for money at mahahatak pababa iyong mga presyo na iyan,” ani Lopez.

Kumikilos na aniya ang gobyerno para mapababa ang presyo ng karne ng baboy at patunay dito ang mga dumating ng mga baboy mula sa Mindanao.

“Dont worry, our economic system is the one that always push for iyong competition. Mataas iyan pero bumababa rin iyan because there are so manh players in the industry,” dagdag ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?