413

Oct 31, 2017 @ 13:43

Planong pagpapatapyas ng boobs ni Jake Zyrus, malaking horror story sa mga moralista

By JOJO GABINETE

Para sa mga conservative at moralista, isang malaking horror story ang desisyon ni Charice Pempengco aka Jake Zyrus na ipatanggal ang kanyang mga suso bilang unang hakbang sa katuparan ng pangarap niya na maging lalake.

Hindi masasabi na tanggap ng sambayanang Pilipino ang pasya ni Jake na magpakalalake dahil nabawasan ang kanyang mga tagahanga at may mga komento na hindi sila natutuwa sa mga kilos at pananalita na may halong acting ng transgender man singer.

‘Que horror’ ang reaksyon ng mga kaibigan namin sa ibang bansa na iniidolo si Kris Aquino dahil hindi sila makapaniwala na darating ang panahon na mawawalan ng television show ang TV host/actress na binigyan ng title na Queen of All Media.

Hindi matanggap ng aming mga kaibigan na sa kabila ng pagiging Aquino ni Kris, walang television network na interesado na bigyan siya ng sariling programa.

Active ngayon si Kris sa sariling Youtube Channel pero iba pa rin na napapanood siya sa TV. Puwedeng maging blogger at magkaroon ng Youtube Channel ang mga ordinaryong tao pero hindi lahat ay puwedeng maging television host at magkaroon ng TV show kaya kailangan ni Kris na magkaroon ng home studio sa lalong madaling panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?