104

By

Planong impeachment laban sa 8 SC justices, minaliit ni Alvarez

Sharing is caring!

Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na mahina ang impeachment complaint na planong ihain ng “Magnificent 7” sa Kamara laban sa walong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Alvarez, hindi impeachable offense ang pagkatig ng SC justices sa quo warranto.

Paliwanag ng Speaker, hiwalay na usapin ang proseso ng impeachment at quo warranto.

Umakto lamang aniya ang mga mahistrado batay sa kanilang kapangyarihan alinsunod sa Konstitusyon.

“Personal opinion ko, I don’t think so kasi separation of powers e, they acted within their powers as provided for by the Constitution,” ani Alvarez.

Sabi rin ni Alvarez, hindi masasabing nabastos o nasagasaan ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Kongreso dahil magkaiba ang quo at impeachment.

“Wala namang kumukuwestiyon na exclusive ang jurisidiction ng Congress in impeaching itong mga impeachable official as provided for by Constitution, kaya lang hindi naman sinabing ‘yun lang ‘yung paraan para tanggalin itong mga impeachable official na ito. Kung babasahin natin ‘yung probisyon nakalagay “may” ‘di ba, so ibig sabihin nun ay meron pang ibang paraan na matanggal sila gaya halimbawa nu’ng quo warranto nga,” paliwanag ng Speaker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?