By

Planong federal gov’t, dapat may 3 SC – ConCom

Sharing is caring!

Isinusulong ng Consultative Committee (ConCom) ang pagtatatag ng tatlong mataas na hukuman sa ilalim ng planong federal na porma ng gobyerno.

Ang ConCom ay nilikha ni Pangulong Rodrigo Duterte para pag-aralan ang mga posibleng amyenda sa 1987 Constitution na magbibigay daan sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan.

Sinabi ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, Chairman ng ConCom, nagkakaisa ang maraming miyembro ng komite na dapat may Federal Supreme Court, Federal Constitutional Court at Federal Administrative Court sa ilalim ng planong pederal na gobyerno.

Sa nasabing sistema, ang Federal Supreme Court ang hahawak sa mga sigalot sa loob ng federal government at sa iba pang federation region.

Ang Federal Constitutional Court naman ang reresolba sa mga kuwestiyon sa ligalidad ng mga batas, mga international agreements, presidential decrees at proclamation pati na ang mga batas na ipapasa ng Legislative Assembly ng ibat ibang rehiyon.

Habang ang Federal Administrative Court ang hahawak sa mga election-related cases.

Layunin aniya ng sistema na mabilis na madinig at maresolba ang mga kasong idinudulog dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?