5
duterte10
By

Planong biyahe ni Duterte sa Kuwait, balikan lang

Sharing is caring!

Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na magtagal kahit isang araw kapag natuloy ang biyahe sa Kuwait.

Sinabi ng Pangulo na personal lamang niyang ipapaabot ang kanyang pasasalamat sa Kuwaiti government dahil pinagbigyan ang mga kundisyon nito para sa kapakanan at seguridad ng mga pilipinong manggagawa sa Kuwait.

Napagtanto ng Presidente na maayos naman palang kausap ang gobyerno ng Kuwait kaya hihingi siya ng dispensa sa mga opisyal sa matatalas na salitang binitawan niya noon.

“Nagka-aregluhan na kami and well of course I’d like to thank the state of Kuwait. Lahat ng hiningi ko binigay nila.

And I thought it was a long-drawn. I was believing na pangmatagalan ‘to kasi nagmura ako eh. Talagang masama ang bunganga ko,”anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na magko-commercial flight lamang ito para makatipid sa gastos ang gobyerno.

“Huwag kayong mag-alala. I will just take the commercial flight. Mag-commercial lang ako just to say “salamat po” and then I’ll take the next available flight back home. Just to show our gratitude,”dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?