26

Aug 12, 2021 @ 18:27
By

Planong 5 linggong lockdown kinontra ng PCCI

Hindi sang-ayon ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa nilulutong limang linggong enhanced community quarantine (ECQ) o lockdown.

Ayon sa statement ng PCCI nitong Huwebes, sinabi nito na problemang kalusugan ang COVID-19 habang ang ECQ o lockdown ay isang militaristic solution na nagpapahirap lamang sa ekonomiya.

“COVID-19 pandemic is a pharmaceutical problem while lockdown is a militaristic solution. Our economy is disfigured after many protracted lockdowns, yet the spread of COVID continues,” pahayag ni PCCI Acting President Edgardo Lacson.

Dagdag pa niya, tila mas nakakatakot pa ang salitang lockdown kaysa COVID-19.

“Mere mention of lockdown stokes greater fear than the infection from COVID-19. Another 5-week lockdown could be the proverbial last straw on the camel’s back. It will wipe out the temporary economic gains we earned in between lockdowns and could stop the momentum of business from moving forward,” dagdag pa ni Lacson.

Imbis na lockdown o ECQ, iminungkahi ng PCCI ang pagpapabilis ng pagbabakuna at striktong pagpapatupad ng mga health protocol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?