35

Jun 17, 2020 @ 18:38

Plano sa nag-uuwiang mga OFW, linawin

Nais repasuhin ni Senador Risa Hontiveros ang plano ng gobyerno para matulungan ang mga overseas Filipino worker (OFWQ) na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

“Dapat may malinaw tayong plano para tugunan ang financial, medical at mental health needs ng dumaraming bilang ng OFW na bumabalik sa bansa,” sabi ng senador.

Naghain si Hontiveros ng Senate Resolution No. 445 para imbestigahan ang return at reintegration plan ng gobyerno sa mga OFW na nag-uuwian matapos mawalan ng trabaho.

Giit ng senador na dapat mayroong komprehensibong plano para matugunan ang pangangailangan ng nasa 300,000 OFW na inaasahang babalik sa Pilipinas ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.(John Carlo Cahinhinan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?