57

By

Plano ni Willie sa 2019 Elections inilantad, mga scammer sa ‘Wowowin’ binalaan

Sharing is caring!

Para matigil na ang lumalabas na balitang tatakbo ang ‘Wowowin’ host na si Willie Revillame sa 2019 elections, nagsalita na ang host sa bagay na ito.

“Para matapos na, kaya ayokong magpolitika, hindi ko kayang iwanan ang programang ito para sa inyo,” ayon kay Willie sa programa niya nu’ng Martes na napapanood sa GMA7.

Napag-alaman ni Kuya Wil na ginagamit ang kanyang programa ng mga sindikato. Aniya may mga anomalyang nagaganap ng hindi niya at dinadamay pa ang ‘Wowowin’.

May modus operandi raw ang ilang sindikato na ginagamit ang mga studio audience ng programa para makakuha ng pera.

May nakarating kay Kuya Wil na may bumubuo ng mga grupo na hindi magkakakilala at magpapanggap na sila’y mga residente sa iisang lugar para makapasok sa studio.

Sumasali raw sa mga contest ng “Wowowin” at pag nanalo ay pinaghahatian, pero ang nag-form ng grupo ay binibigyan ng komisyon.

Sa lahat ng ayaw ni Kuya Wil ay ‘yung nagkakaroon ng scam sa kanyang programa. Galit ang “Wowowin” host ng malaman niyang ginagamit ang kanyang programa ng mga sindikato.
Lalong tumibay ang pagkakaroon ng scam nang tanungin ni Willie ang mga contestant.

Aniya: “Ginagawa niyong raket itong show. Sino ang nagpagawa ng T-shirts ninyo?” May sinabi ang mga contestant na Ate Susan. Hinanap ni Willie ang taong nabanggit, pero wala sa loob ng studio.

Isa pang matandang babae, na nagngangalang Thelma ang umamin na isinama rin siya ng nagngangalang Susan, pero hindi raw niya ito kilala. Pumayag daw siyang sumama sa grupo dahil sa kagustuhan na mabigyan ni Willie ng jacket.

Umiral ang kababaang-loob ni kuya Wil. Naawa siya kay Nanay Thelma na binigyan niya ng jacket at pera.

Sambit ng ‘Wowowin’ host paiimbestigahan niya ang anomalya sa kanyang programa na siya mismo ang nakadiskubre.

Ayaw na raw niyang maulit pa ang nangyari. Pakiusap ni Willie sa mga gustong manood ng ‘Wowowin’.

“Huwag kayong tatanggap na kahit na sino na hindi niyo kasama. Kapag nalaman namin, palalabasin namin kayo kasi niloloko niyo ang programa. Dapat tapat, totoo ang ginagawa niyo para sa amin at para sa inyo.”

Pag-amin pa ni kuya Wil na hindi kumikita ang programa dahil binibigay nila lahat ang papremyo. Sapat na sa kanyang makita at maligayang umuuwi ang mga contestant ng palabas.

Isa pa, after ng show ay binibigyan pa ni Kuya Wil ng pamasahe ang studio audience na P10,000 kada grupo. Tanging ang Wowowin show lang ang nakagagawa ng ganito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?