27
trillanes3
Jul 30, 2018 @ 17:11
By

Plano ni Trillanes na plunder vs Tulfos, pangalawang reklamo na – Palasyo

Ituturing ng Malacañang na ikalawa at hiwalay na reklamo ang plano ni Senador Antonio Trillanes IV na kasuhan ng plunder sina Wanda Tulfo Teo at Ben Tulfo.

May kinalaman pa rin ito sa P60 million tourism ads na hindi pa rin ibinabalik ng magkapatid sa kabila ng naunang pangako ng mga ito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa Ombudsman na ang usapin at bago nagretiro si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ay sinimulan na aniya ang imbestigasyon sa nabanggit na kontrobersiya.

“The matter is in fact within the cognizance already of the Ombudsman. So that would be treated as second complaint. But as far as I know, before her retirement, Ombudsman Conchita Morales said she had already commenced investigation into this matter,” ani Roque.

Nauna nang inihayag ni Trillanes na paiimbestigahan sa Senado ang kontrobersiyal na tourism ads na umano’y ang nakinabang lamang sa P60 million ay ang media outfit ni Ben at walang kinita ang PTV 4 kung saan may programa ang huli.

Sinabi naman ni Roque na dapat ding isama sa demanda ang umano’y binigyan ng “cut” at dapat na mailantad din ang mga pangalan para maimbestigahan ang mga ito.

Dalawa umanong taga-gobyerno ang binigyan ng “cut” sa P60 million mula sa Department of Tourism. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?