248

Apr 9, 2019 @ 12:21
By

Plano ng oposisyon na bumisita sa Scarborough, isang ‘publicity stunt’ – Palasyo

Pakitang tao lamang umano ang plano ng ilang opposition senatorial candidates na bisitahin ang Scarborough Shoal, saad ng Malacañang.

“Publicity stunt. [They are] succeeding because they are getting your attention,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ayon sa report ng Inquirer.net.

Ayon sa mga senatorial candidate na sina Gary Alejano, Chel Diokno, Samira Gutoc, at Florin Hilbay, plano nila sanang pumunta sa Scarborough Shoal sakay ng bangka at itanim doon ang bandila ng Pilipinas ngunit pinigilan umano sila ng Philippine Coast Guard para umano sa national security.

Bagkus ay nakipag dayalogo na lamang ang mga ito sa mga residente ng coastal town ng Masinloc, Zambales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?