29

By ,

Plania pinabagsak ang kapwa Pinoy, nakamit ang WBC title

Sharing is caring!

Nasikwat ni Mike ‘Magic’ Plania ang World Boxing Council (WBC) Asia Silver Super Bantamweight Championship belt kontra kay Angelito Merin, Linggo nang gabi, Setyembre 9 sa Polomolok Gym sa South Cotabato sa ‘Battle of Cotabato’.

Naging maganda ang mga taktika ni Plania na nagpabagsak sa depensa ng kalaban, at pagpasok ng ikaapat na round ay nakakita ng magandang butas at nagpaulan ng suntok na nagpatumba kay Merin.

“Thank you Sanman Promotions for this break. It was a good test for me and I now feel ready to face anybody at 122 pounds,” saad ni Plania.

Ayon kay Sanman Promoter Jim Manangquil, naging matured aniya si Plania sa kanyang laban ngayon at ang mga susunod niyang laban ay maari ng ganapin sa US kontra sa malalaking pangalan sa parehong division.

Sa parehong event, dinomina naman ni Dave Apolinario ang kapwa Pinoy na si Michael Camelion sa walong round at dahil dito ay nasungkit niya ang WBC Asia Youth Flyweight Belt.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?