84

Jun 27, 2019 @ 18:50
By

Plan B ng Knicks: Cousins pantapal kay Durant

Handa ang New York Knicks sakali mang hindi nila makumbinsi ang two-time Finals MVP na si Kevin Durant para lumipat sa kanilang bakod.

Ayon sa New York Times, may iba nang target ang Knicks bukod kay Durant kapag napurnada ang balak na masungkit ito, ito ay walang iba kundi si DeMarcus Cousins.

“The Knicks are weighing the prospect of extending a considerable one-year offer to Warriors free-agent big man DeMarcus Cousins if they miss out on top target Kevin Durant, league sources say,” saad sa tweet ni Mark Stein ng NY Times.

Naging magkakampi sina Durant at Cousins sa Golden State Warriors, ngunit noong nakaraang season ay 30 laro lang nakasalang si Cousins sa regular season dahil nagrerecober pa sa torn Achilles.

Samantala, tumanggi naman si Durant sa $31.5M player option niya sa GSW, posible nang pumirma sa kahit anong team na gustuhin.

May max contract slot pa ang NY, sasamahan ang inaasahang potential star na si 3rd pick overall RJ Barrett at maingat ang prangkisa na noong 2013 pa nakatungtong sa playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?