87

By

Plakang ‘8’ hindi anting-anting – Andaya

Sharing is caring!

Pinaalalahanan ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. ang mga kapwa-mambabatas na huwag gamitin sa kalokohan ang protocol plate na numero ‘8’.

Ito’y kasunod ng pagkaaresto sa isang lalaking sangkot sa road rage na nag-viral sa social media matapos gumamit ng FJ Cruiser na may plakang numero otso na laan para sa mga kongresista.

Ayon kay Andaya, pinasasama ng mga ganitong klase ng insidente ang imahe ng Kamara.

“Such despicable behaviour on the road gives the House a bad name. There is no excuse for that. Hindi amulet or anting-anting para gumawa ng hindi tama ang anumang protocol plate,” ani Andaya.

Iginiit rin ng majority leader na sakaling masangkot sa road rage ang sinumang kongresista ay maaari nang mag-motu proprio o ora mismong kumilos ang Philippine National Police at LTO, at hindi na kailangang magpaalam sa Mababang Kapulungan.

Binanggit ni Andaya na kaliwa’t kanang tawag ang natanggap ng liderato mula sa mga galit na mambabatas para ipanawagan sa mga awtoridad na tukuyin agad ang driver, may-ari ng sasakyan at alamin ang authenticity ng protocol plate.

Una nang nadawit ang pangalan ni Pampanga Rep. Jon Lazatin sa road rage na nangyari sa Angeles City pero kagabi ay naaresto na ang suspek na kinilalang si Jojo Valerio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?