173
Plaka sa harap ng motorsiklo, hindi mapanganib – LTO
By

Plaka sa harap ng motorsiklo, hindi mapanganib – LTO

Pinabulaanan ni Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante na hindi ligtas ang ilalabas na bagong plaka para sa mga motorsiklo sa ilalim ng “Motorcycle Crime Prevention Act”.

Ito ang siniguro ni Galvante kasabay na rin ng pangamba ng mga rider na ang mas malaki at color-coded na bagong plaka ay hindi ligtas kung ilalagay sa harap ng motorsiklo.

“Hindi po tama ‘yung sinasabi nila na ang gagawing materyal doon sa plaka sa harap ay metal,” ani Galvante.

Nilinaw naman niyang hindi man gawa sa metal ay matibay naman ang materyal na gagamitin sa plaka na nababasa sa layong 15 metro.

Isa umano sa isinusuhestiyon ng LTO ay ang plaka na gawa sa “conduction sticker material” dahil tumatagal umano ito at hindi mapanganib na matanggal, lilipad at tatama sa driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?