28

Sep 16, 2021 @ 17:23
By

Plaka ng motorsiklo nanganganib

Nanganganib ang supply ng plaka ng motorsiklo matapos tablahin ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang 2022 budget ng Land Transportation Office (LTO) para sana sa 18 milyong motorcycle plate.

Isiniwalat ito ni LTO chief Edgar Galvante sa pagdinig sa Kamara tungkol sa proposed budget ng Department of Transportation.

“Ang malaki po naming problema is ‘yung sa motorcycle. Sa projection po ng LTO, kailangan ng 18 million plates hanggang June 30, 2022. Bagama’t humingi po tayo ng pondo, sa kasamaang-palad hindi po tayo napagbigyan dito,” saad ni Galvante.

Sa ngayon aniya ay nasa 3.6 milyong motorcycle plate pa lamang ang nagagawa ng LTO batay sa “Motorcycle Crime Prevention Act” kung saan inoobliga ang paggamit ng malaki at color-coded number plate.

Sa kabila nito, tiniyak ni Galvante na hindi magkakaproblema sa plaka ng mga sasakyang may apat na gulong. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?