pj-tucker
By

PJ Tucker, OOTD of the year

Sharing is caring!

Agaw pansin sa social media ang mga Outfit of the Day (OOTD) ng Houston Rockets forward na si PJ Tucker.

Sa loob ng basketball court ay mapapansin rin ang mga playing style outfit ng 6 foot 6 inches na basketbolista.

Pagdating naman sa labas ng court ay mala-millenial looking at instant celebrity ang mga mga OOTD ni Tucker.

Nilustay niya ang ilang taon upang makuha ng husto ang mga fashion trend na babagay sa kanya.

Umabot ng mahigit sa apat na taon at sineryoso niya ang fashion.

“It wasn’t a moment,” “It was just being there. It started out with suits. Seeing European guys wear suits was incredible. And it wasn’t all like the big fashion house expensive suits, it was like simple stuff but the way the older men dressed in Europe just absolutely amazed me”. Sabi ni Tucker.

“In Italy, in France the way the older men dressed was incredible.” Dagdag pa nito.

Kalaunan, ang kahiligan sa fashion ng basketball star ay naging isang koleksyon na. At gumagastos si Tucker ng nasa mahigit o kulang 25,000 dollar para sa isang outfit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?