80

By

PJ Simon pinatalsik sa trono si James Yap

May bagong hari ang “Three-Point Shootout” sa 2019 PBA All-Star Weekend nitong Biyernes sa Calasiao, Pangasinan.

Tumapos ng 17 points sa final round si Magnolia veteran shooter PJ Simon habang bigo si Rain or Shine shooting guard James Yap na maidepensa ang kanyang korona matapos umiskor lang ng 11 points sa elimination round.

Masuwerte si Simon na hindi naipasok ni Robert Bolick ang huling moneyball na magbibigay sana sa NorthPort rookie guard ng korona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?