24

Sep 23, 2020 @ 22:08
By

PJ Simon paalam na sa PBA

Matapos ang walong kampeonato at 16 taong career sa Purefoods franchise sa PBA, inanunsyo ni PJ Simon ang kanyang pagreretiro.

Trending siya ngayong Miyerkoles sa Twitter Philippines.

“Hindi ko inakalang posible pala para sa isang payat at maliit na bata mula sa Makilala, North Cotabato na makarating sa PBA. Hindi ko rin inakala na pagkatapos hindi mapansin nung 2001 PBA Rookie Draft na posible pa pala mag-iwan ng sarili kong marka sa liga. Nakakalungkot man pero ito na siguro yung tamang panahon para magpaalam sa liga,” sabi ng 40-year-old guard sa Instagram post.

“Kinailangan kong umuwi ng Davao nung nagkasakit at namatay ang father ko at nahirapan na rin akong makabalik dahil sa pandemya. Sign na rin siguro yun na ito na yung tamang time para magretiro.”

Biningwit si Simon ng Sta. Lucia sa fifth round ng Rookie Draft taong 2001.

Kalaunan ay napasama siya sa roster ng Purefoods at naging piyesa ng koponan para sa walong titles kabilang ang Grand Slam noong 2014.

Kabilang sa achievement niya ang pagiging Three-Point Shootout king, All-Star Game MVP at dalawang Mr. Quality Minutes award.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?