53

Apr 30, 2020 @ 17:01
By

Piyansa ng mahihirap na PDLs binabaan ng SC

Pinababaan ng Supreme Court (SC) ang piyansa ng mga mahihirap na ‘persons deprived of liberty’ (PDL) para sa kanilang pansamantalang kalayaan sa layuning mabawasan ang masikip na piitan sa gitna ng COVID-19 crisis.

Nitong Huwebes ay inilabas ng mataas na hukuman ang administrative circular no. 38, para sa ipagkakaloob ng ‘bail bonds’ sa ‘indigent detainees’.

Sa circular, ang mga inmate na may hatol sa krimen na 12 hanggang 20 taong pagkabilanggo ay kailangang i-compute ang ‘medium period’ at imu-multiply sa ₱3,000 kada taon ng pagkakulong.

“For those charged with a crime punishable with six years to 12 years, bail shall be computed by getting the medium period multiplied by ₱2,000 for every year of imprisonment. For those charged with a crime punishable with six months to six years, bail shall be computed by getting the medium period multiplied by ₱1,000 for every year of imprisonment,” nakasaad pa sa circular ng SC.

Habang ang krimen naman na may parusang pagkakulong ng hindi aabot sa anim na buwan ay palalayain na ibabatay sa kanilang sariling pagkilala.

Binigyang-diin naman ng SC na kailangan munang litisin ang mga inmate bago palayain, at ipagpapatuloy ang pagdinig sa pamamagitan ng ‘online’.

“This is without prejudice to the exercise of the court’s discretion to deny the application for bail or recognizance if there are reasonable grounds based on prevailing jurisprudence and existing rules, and to the imposition of additional bail and conditions, or the cancellation thereof, to those who will be convicted, pending their appeal,” batay sa Supreme Court ruled.

Ang circular ay hindi aplikado sa mga inmate na nakapag-serve na ng kanilang sentensiya, at ito ay agad na ipatutupad sa loob ng public health emergency, na idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong Marso.

“With this instant initiative, more PDL are expected to be released,” ayon pa sa mataas na hukuman. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?