38
pizza

Pito katao nalason sa pagkain ng pizza

Sharing is caring!

Isinugod sa ospital ang pitong bata matapos kumain ng pizza sa Quezon City noong Sabado ng hapon

Sa report ng GMA news, sinabi ng isang Teresita Credo ng Barangay Silangan na apat sa kanyang mga anak, dalawang apo at isang makag-anak ang dinala East Avenue Medical Center matapos makaranas ng pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan matapos kumain ng pizza.

Sabi ni Credo, bumili sila ng pizza sa isang tindahan malapit sa highway at pagkatapos nilang kumain, nakaranas ang mga batang ng pananakit ng tiyan hanggang sa magsuka na ang mga ito.

Ang mga bata ay may edad na siyam hanggang 17 anyos. Nanatili pa rin sila sa opisyal.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?