4

Jan 16, 2021 @ 15:59
By

Pitbull isa nang NASCAR team owner

Isa nang team owner ng NASCAR si American rapper Pitbull matapos niyang i-anunsyo ang kanyang partnership kay Justin Marks at sa Team Trackhouse.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ng rapper na isa na siyang co-owner ng naturang team.


“I’ve been a fan of the @NASCAR story since the movie ‘Days of Thunder’, now I’m an official co-owner of the @TeamTrackhouse racing team. Thank you Justin Marks, Ty Norris & Daniel Suarez for the great opportunity,” saad niya sa tweet.

“This is a great way to celebrate my 40th bday, so Get Ready! Dale!” dagdag pa niya.

Tumugon naman ang opisyal na Twitter account ng NASCAR sa kanyang tweet at sinabing kinatutuwa nila na kasama na si Pitbull sa kanilang pamilya.

Ayon sa NASCAR, matagal nang aktibo ang rapper sa racing community.

“Pitbull is an iconic talent in the music industry and has tremendous passion for NASCAR racing,” anila.

“We look forward to working with him to further engage diverse audiences and introduce new fans to our great sport,” dagdag pa nila.

Nakatakdang manood si Pitbull ng laban ng kanyang team sa Daytona 500 sa susunod na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?