Piston leader George San Mateo inaresto

Sharing is caring!

Dinakip ng mga pulis ang transport group leader na si George San Mateo habang nagbabayad ng piyansa sa kasong isinampa laban sa kanya sa Quezon City court.

Nagpiyansa si San Mateo matapos magpalabas ng arrest warrant si Judge Don Ace Alagar ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 43 matapos makitaan ng probable cause sa paglabag nito sa Commonwealth Act No. 146 or the Public Service Law.

Inatasan ni Alagar si San Mateo, presidente ng Pinagkaisahang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) na maglagak ng piyansang ₱4,000.

Ang kaso laban kay San Mateo ay bunsod nang pangunguna nito sa nationwide strike ng Pebrero 2017 bilang protesta sa jeepney modernization program ng gobyerno.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pangha-harass ang ginawang pagdakip kay San Mateo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?