17

By

Pista sa Park Grand Fans Day and All-Star Parade dadaluhan ng malalaking artista

Sharing is caring!

Sa Sabado, alas-10:00 ng umaga na magaganap ang Pista at the Park Grand Fans Day and All-Star Parade para sa PPP 2018.

Magaganap ito sa Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle.

Ang event ay organisado ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ito ay puno ng activities sa buong araw na fun-filled games at cultural performances mula sa Sindaw, Kontra-GaPi at Ryan Tamondong.

May special performances din mula sa local artists na sina Mark Joseph Bornales, Mikhail Ali Hooshmand, Awkweird, Van Sulitas, Shaira Hao, Alexia Sumilang, Onin Gonzales, Cheantel Daints Caro , Edric Vanguardia at Stef Aranas.

Ang event ay libre sa publiko.

Mag-uumpisa ang PPP All-Star Parade ng 2 p.m., sa harap ng MTRCB Building sa Timog at matatapos sa Quezon Memorial Circle.

Sakay sa designed trucks ang mga artista na bida sa walong pelikula na ipalalabas sa August 15-21, kasama ang Special Feature Section at Sine Kabataan entries.

May pa-raffle rin na mahigit 100 na passes ang PPP’s PistAmazing Race. Lahat ay puwedeng sumali sa pamamagitan ng paggawa ng hindi bababa ng 10 sa 12 na tasks na ibibigay ng Pista at the Park.

Kailangan lang i-download ang PistApp sa Google Play o App Store para makasali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?